Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour sa bahagi ng EDSA-Kamuning southbound.
Ito ay makaraang isara nitong weekend ang buong Kamuning southbound flyover dahil sa isasagawang pagkukumpuni sa mga nakitang butas at bitak sa tulay.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.
Maaaring dumaan ang mga motorista sa Scout Borromeo patungong Scout Ybardolaza, Judge Jimenez bago kumaliwa ng E-Rodriguez Avenue o sa Aurora Boulevard, pabalik ng EDSA.
Maaari ring kumanan sa West Avenue, kanan sa Quezon Avenue at mag-U-turn patungong Timog Avenue at Tomas Morato palabas ng E-Rodriguez.
Inirekomenda ng MMDA ang paglusot sa iba’t iba pang mga lansangan papasok ng lungsod ng San Juan hanggang makalabas sa Mandaluyong-Makati Bridge patungo sa kanilang destinasyon.
Una nang sinabi ng MMDA na tatagal ng isang buwan ang pagkukumpuni sa tulay.