Singer-actress na si Rita Daniela, buntis!

90

Magiging mommy na ang singer-actress na si Rita Daniela!

Sa “Queendom” segment ng All-Out Sundays, kinumpirma ni Daniela ang kanyang pagbubuntis.

Matapos ang life-changing revelation ay nag-post na rin siya ng kanyang mga larawan sa Instagram kung saan din niya inanunsyo ang tungkol sa bagong stage ng kanyang buhay.


Obvious sa mga larawan na super happy ang soon-to-mom na naka-all white habang hawak ang kanyang tiyan.

Sa caption, sinabi ni Daniela na binigyan siya ng pag-asa ng kanyang baby para tuparin ang mas marami niyang pangarap.

Bumuhos naman ang pagbati para sa kanya ng mga kaibigan at kapwa artista.



Sa kabila nito, tipid pa rin sa pagbibigay ng detalye si Daniela tungkol sa gender ng kanyang baby at kung sino ang ama.

Facebook Comments