MATRABAHO | Biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Indonesia, magiging matrabaho – ayon sa DFA

Manila, Philippines – Nakatakdang bumiyahe patungong Indonesia si Pangulong Rodrigo Duterte sa Huwebes, October 11.

Ayon kay Foreign Affairs Asec. Junever Mahilum-West – ito ay para paunlakan ng Pangulo ang imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo na dumalo sa Association of Southeast Nations Leaders’ gathering sa Bali.

Kabilang sa agenda ay ang pagpapalakas ng kooperasyon ng mga Asean country para matiyak ang paglago ng ekonomiya at financial stability ng rehiyon.


Pagkakataon din daw ito para personal na maipaabot ni Pangulong Duterte ang tulong ng Pilipinas sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Sulawesi, Indonesia.

Idadaan ang tulong ng bansa sa pamamagitan ng “One Asean, One Response Program” bilang bahagi ng disaster assistance.

Magtatagal lang ng isang araw ang biyahe ng Pangulo at agad ding babalik sa bansa pagkatapos ng pagtitipon.

Facebook Comments