TAYA NA! | Jackpot sa Ultra Lotto, sumampa na sa Isang bilyong piso

Manila, Philippines – Sumampa na sa 1-bilyong piso ang jackpot prize sa ultra-lotto 6/58 para sa susunod na bila nito bukas, October 9.

Pero ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) – estimated pa lang ito at pwede pang tumaas depende sa dami ng tataya hanggang sa Martes ng gabi.

Samantala, sa 6/58 draw kagabi kung saan lumabas ang mga numerong 45, 21, 2, 30, 7 at 10 — nasa 273 mananaya ang nakakuha ng 5 number combination.


May 14,949 na mga mananaya naman ang nakakuha ng apat na tamang numero at mahigit 260,000 ang nakakuha ng tatlong numero.

Facebook Comments