Matrikula ng may kursong medisina sa walong State Colleges and Universities sa buong bansa, libre na

Manila, Philippines – Libre na ang tuition fee ng lahat ng estudyanteng kumukuha ng kursong medisina sa walong State Colleges and Universities sa buong bansa sa school year 2017-2018.

Ito ay sa ilalim ng bagong cash grants to medical students program ng Commission on Higher Education.

Kabilang sa mga kasali sa cash grants for medical students program ay University of Northern Philippines sa Ilocos Sur, Don Mariano Marcos State University, Cagayan State University, Bicol University, West Visayas State University, University of The Philippines-Leyte, Mindanao State University at University of the Philippines-Manila.


Sakop din ng 100 percent free tuition ang incoming medical students at yung mga nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

317 million pesos ang pondo ng programa ngayong school year na nanggaling sa budget ng gobyerno.

Sabi naman ni CHED Commissioner Prospero De Vera, inilunsad nila ang naturang programa para mahikayat ang maraming Pilipino na maging doktor.

Dagdag pa nito, may return service agreement ang programa na mag-o-obliga sa scholars na magtrabaho sa health facilities sa bansa.

At pagka-graduate nila aniya, may pagkakataon ang mga ito na magsilbi sa bayan bilang provincial health practitioners at doctor to the barrios.

Facebook Comments