Matteo Guidecelli, suportado ang nilulutong tambalan sa pelikula ng kaniyang girlfriend na si Sarah Geronimo at Daniel Padilla

Manila, Philippines – Suportado ni Matteo Guidicelli angnilulutong tambalan sa pelikula ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo atni teen king Daniel Padilla.
Ayon kay Matteo, wala naman problema kung makatambal ni Sarahsi Daniel dahil parang nakakabatang kapatid ang turing nila dito maging sapartner nito na si Kathryn Bernardo.
Dagdag pa ni Matteo, maging siya daw mismo ay nagkakaroondin ng mga kaparehas na mas bata sa kanya kung saan excited naman ito samagiging tambalan nila ni Miss International Kylie Verzosa.
Sa ngayon, magbabakasyon sa Tokyo, Japan si Matteo kasamaang kaniyang pamilya at hindi nito makakapiling si Sarah dahil busy ito sabagon proyekto sa kapamilya network.
Photo from: iweb.ph  
 

Facebook Comments