Matteo Guidicelli, bumuwelta sa mga kritiko tungkol sa relasyon kay Sarah Geronimo

Manila, Philippines – Muling iginiit ng aktor na si Matteo Guidicelli na hindi niya ginagamit ang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Nabatid kasi na malimit tinatanong si Matteo hinggil sa plano nito sa Pop Star Princess kung saan tingin ng iba na hanggang sa boyfriend-girlfriend relationship na lang sila.

Pero dedma lamang ang aktor sa mga tanong dahil deep inside daw ay alam niyang mahal niya at mahal siya ni Sarah at bahala na daw mag-isip ang iba kung ginagamit lamang niya ito para manatiling sikat.


Sa katunayan, maraming mga project ang ini-offer sa kanila pero kanila itong tinanggihan dahil para sa kanya ang kanilang pagsasama ay totoo at hindi pang-showbiz.

Facebook Comments