CAUAYAN CITY- Napapailing na lamang ang ilang tindera sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan dahil sa tumal ng kanilang bentahan.
Sa panayam ng IFM News Team kay Aling Donabelle, hirap silang maubos ang kanilang benta sa hapon nagiging maayos na lamang ang kanilang bentahan tuwing Sabado at Linggo.
Aniya, malaking epekto sa kanila ang pagsulpot ng mga naglalako sa loob ng pribadong pamilihan.
Dagdag pa niya, bumabawi na lamang sila ng kita sa buwan ng Disyembre kung saan dumadgsa ang mga mamimili sa merkado.
Gayunpaman, mapalad pa rin si Ginang Donabelle dahil nakakaraos pa rin sila sa araw-araw sa kabila ng nararanasang krisis.
Facebook Comments