Manila, Philippines – Magsilbi sanang aral ang nangyayari ngayon sa Boracay Island.
Ito ang sinabi ng Palasyo ng Malacanang sa mga opisyal ng Lokal na pamahalaan at mga island resort owners lalo na sa mga tourist destinations sa buong bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang planong pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng State of Calamity sa Boracay Island ay dapat na magsilbing babala sa mga tourist destinations tulad ng Palawan, Siargao, Bohol, Pagudpud at maraming iba pa.
Paliwanag ni Roque, maaari ding ipag-utos ni Pangulong Duterte na pansamantalang isara ang mga resort na hindi sumusunod sa batas at binabalewala ang kalikasan.
Kaya naman mas maganda aniyang ngayon palang ay gumawa na ng aksyon ang mga local na pamahalaan at mga resort owners sa mga tourist destinations sa buong bansa para itama ang mga mali bago pa man pangalanan ito ni Pangulong Duterte.