ONLINE RANT? | IG post ng panganay na anak nina Raymart Santiago at Claudine Barreto, usap-usapan

Manila, Philippines – Agaw-pansin sa mga netizen ang Instagram post ng 13-year old daughter ng ex-husband and wife na sina Raymart Santiago at Claudine Barreto.

Sa tatlong quote cards mababasa ang:

“your soulmate is not another person’s spouse. Sorry”
“my dad broke my heart way before any boy had the chance to”
“someday, you’ll realize sa damage the you’ve caused”


May caption pa ito na: “You guys happy now?” Kung saan naka-tag ang post kina Raymart at rumored girlfriend nitong si Aurora ‘AC’ Legarda.

Base na rin sa post, mapapansin na tutol ang panganay nilang anak sa napapabalitang relasyon ni Raymart kay AC.

Si AC ay nagtatrabahong senior division manager ng Ayala Land, Inc. at pinsan daw ni Senador Loren Legarda.

Taong 2011 naman ng maghiwalay sina Raymart at Claudine.

Wala pang pahayag hinggil dito sina Raymart at AC.

Facebook Comments