Magdadala ng pag-ulan ang southwest moonsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw ng linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration – Department of Science and Technology (PAGASA-DOST), makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Bataan, Occidental Mindoro, at hilagang bahagi ng Palawan kasama ang isla ng Kalayaan.
Samantala, makakaranas naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers at thunderstorms ang Maynila at nalalabing bahagi ng bansa.
Posible rin na magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mararanasang pag-ulan.
Facebook Comments