Mahigit P10,000 na budget kada buwan ang kailangan ng isang mag-aaral sa kolehiyo sa Maynila ayon sa isang grupo

362

Aabot sa P9,900 na budget kada buwan ang kakailanganin ng isang state college student sa Maynila, para makapamuhay ng normal, ayon sa Samahan at Ugnayan ng mga Kunsyumer para sa Ikauunlad ng bayan (SUKI).

Sa nasabing halaga, kabilang na rito ang budget sa transportasyon, pagkain, at renta sa tirahan.

Dagdag pa ng samahan, maging ang mga estudyante ay apektado ng lumalalang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Nakapagtala ng 6.3 percent na inflation rate sa bansa nitong Agosto, na bahagyang mas mababa kumpara sa 6.4 percent noong Hulyo.

Facebook Comments