Manila, Philippines – Magiging maulan ang Pasko sa bansa lalo na sa Visayas at Mindanao.
Ito ay dahil sa binabantayang dalawang Low Pressure Area (LPA).
Sa huling monitoring ng RMN DZXL Newscenter, palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang unang LPA na nasa 430 kilometers west-northwest ng Puerto Princesa, Palawan.
Papalapit naman sa bansa ang ikalawang LPA na nasa 1,245 kilometers east ng Mindanao.
Inaasahang papasok ang bagong LPA sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Mataas din ang tiyansa na maging bagyo ito at tatawaging ‘Usman’.
Tutumbukin ng sama ng panahon ang Samar o Bicol area kaya pinaghahanda ang mga nasabing lalawigan.
Bagaman at malayo pa ang ikalawang LPA, ang trough o extension nito ay nagpapaulan na buong Mindanao, maging sa Central at Eastern Visayas.
Hanging amihan at tail-end of cold front naman ang nakakaapekto sa Luzon kasama ang Metro Manila.
Sunrise: 6:18 ng umaga
Sunset: 5:34 ng hapon