Mga nasawi sa volcanic tsunami sa Indonesia, pumalo sa 400!

Umakyat na sa 373 ang patay habang higit 1,400 ang sugatan matapos tumama ang volcanic tsunami sa Indonesia.

Aabot na sa 128 katao ang nawawala.

Ayon kay Indonesia National Disaster Mitigation Agency Sutopo Purwo Nugroho – maraming tao pa ang na-trap sa loob ng mga gusaling pinatumba ng tsunami.


Libu-libo na rin ang lumikas at nananatili sa mga matataas na lugar.

Inaasahang lolobo pa aniya ang bilang ng mga sugatan at death toll.

Ang tsunami ay dulot ng pagsabog ng ‘Anak Krakatoa’ volcano na matatagpuan sa Sunda Strait sa pagitan ng Java at Sumatra.

Facebook Comments