Maulap na kalangitan, mararanasan sa bansa

Manila, Philippines – Mararamdaman ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog partikular na sa rehiyon ng Ilocos, kanlurang Kabisayaan, Zamboanga Peninsula at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan.

Habang asahan naman sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-kanluran ang mararanasan sa Luzon at Kabisayaan habang mula sa timog hanggang timog-kanluran ang iiral na hangin sa Mindanao.


Samantala, magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon sa mga baybaying-dagat sa buong kapuluan.

Sunrise: 5:40 am

Sunset: 6:23 pm

Facebook Comments