Notoryus na supplier ng shabu sa General Trias, Cavite – arestado

Cavite – Arestado ang notoryus na supplier ng shabu sa buy bust operation sa General Trias, Cavite.

Sinubukan pang tumakas ng suspek na si Leopoldo Loyola Sr. matapos na matunugan na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Nakuha kay Loyola ang nasa 120 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 200-libong piso.


Bukod sa pagtutulak ng droga, supplier din si Loyola ng iba pang drug personalities sa ibang bayan ng Cavite.

Facebook Comments