Maute Group, wala nang kakayanang pahabain pa ang bakbakan sa Marawi

Marawi City – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na hindi na kayang patagalin pa ng Maute group ang kanilang pagdepensa sa kanilang mga hawak na lugar sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, base sa kanilang huling pagsusuri ay nasa humigit kumulang 80 nalang ang pwersa ng Maute sa lungsod.

Mayroon aniyang mga lugar sa Marawi na hindi na sumasagot ng putok ang mga terorista at mayroon din naman aniyang lugar na matindi pa ang paglaban.


Ibigsabihin aniya nito ay posibleng nandoon ang bulto ng kanilang mga armas, ito naman aniya ang dahilan kaya may mga lugar na titututukan ngayon ng militar para mapahina ang kalaban.

Facebook Comments