Kinumpirma ng Philippine Army na patay na ang pinuno ng Maute na si Owaydah Marohombsar alyas Abu Dar.
Ayon kay 103rd Infantry “Haribon” Brigade Commander Col. Romeo Brawner Jr, si Abu Dar ay isa sa mga napatay sa engkuwentro sa pagitan ng 49th Infantry Battalion at mga terorista sa Tubaran, Lanao del Sur noong Marso 14.
Aniya, pina-DNA test nila ang noo’y hindi pa tukoy na bangkay at nito lang ay nakumpirma ngang kay Abu Dar ito.
Si Abu Dar ang sinasabing successor ni Isnilon Hapilon na emir ng ISIS sa Southeast Asia, na napatay rin sa Marawi.
Si Abu Dar din ang umano’y nasa likod ng pambobomba sa Limketkai commercial area sa Cagayan de Oro noong 2016
Sabi ni Brawner, umaasa silang tuluyan nang mawawala ang Maute-ISIS sa Lanao del Sur sa pagkamatay ni Abu Dar.