Marawi City – Nagkakagulo at nag-aaway-away na “umano” ang mga miyembro ng Maute Group.
Sabi ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, Spokesman Ng Joint Task Force Marawi – ang pagkakahati-hati ng teroristang grupo ay posibleng nag-ugat sa pagkakapuslit ni Isnilon Hapilon sa kordon ng militar.
At dahil naiipit na ang grupo, iniwan na sila ni Hapilon bagay na nagdulot naman ng demoralisasyon sa hanay ng mga terorista.
Ito rin aniya ang dahilan kung bakit nagkaka-problema ngayon ang liderato ng grupo na nananatili pa rin sa apat na barangay sa Marawi City.
Isa rin sa kanilang pinag-aawayan ay ang pera at ang kakapusan nila sa suplay ng mga bala at baril.
Facebook Comments