Nagretiro na sa NBA si Dallas Mavericks Star Dirk Nowitzki.
Inanunsyo mismo ito ng 7-foot tall German player matapos ang panalo ng Mavericks kontra sa Phoenix Suns kahapon.
Emosyonal siyang nagpaalam sa kanyang team gayundin sa mga fans na nag-chant pa ng “thank you dirk”.
Nasaksihan din ng ilang nba icons ang send-of ni Nowitzki gaya nina Larry Bird, Charles Barkley, Scottie Pippen at Mavs’ former German power forward Detlef Schrempf.
Pero ayon kay Nowitzki, kahit retire na, wala siyang balak na umalis ng Dallas, Texas na itinuring na raw niyang kanyang bagong tahanan.
Aminado naman si Mavericks owner Mark Cuban na hindi magiging madali para sa team ang pagreretiro ni Nowitzki.
Naging bahagi si Nowitzki ng kaisa-isang NBA Championship ng Mavs noong 2011.
Labing-apat na beses din siyang napili sa All-Star game at itinanghal bilang NBA Most Valuable Player noong 2007 at NBA Finals MVP noong 2011.