MANILA – Nagpatupad ng maximum deployment ang Philippine National Police para sa eleksyon sa Lunes, May 9.Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, walumpung porsyento ng buong pwersa ng mga pulis sa mga munisipalidad at siyudad ang nakakalat na ngayon.Habang ang natitira namang dalawampung porsyento ang maiiwan sa mga opisina para gumawa ng mga administrative work.Samantala, 98 percent ng mga sundalo sa iba’t ibang lalawigan ang naka-deploy na ngayon bilang paghahanda sa eleksyon.Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, buong puwersa sila sa eleksyon para matiyak ang mapayapa at maayos na halalan.Ayon kay Padilla, malaking bulto ng kanilang mga tropa ay idineploy nila sa mga conflict affected areas kung saan mahigpit nilang tinututukan ang election watchlist areas.Mayroon aniya silang ipinatutupad na pro-active meAasures para makontrol ang paglaganap ng loose firearms at private armed groups.
Maximum Deployment, Ipinatupad Na Ng Philippine National Police… Habang 98% Ng Mga Sundalo, Ipinakalat Na Sa Iba’T Ibang
Facebook Comments