Pag-Endorso Kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte At Senador Bong-Bong Marcos, Kinumpirma Na Ng Pamunuan Ng Iglesia Ni Cr

3

MANILA – Kinumpirma na ng Eagle News— ang official online news site ng Iglesia Ni Cristo ang pag-endorso nila kina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Bong-Bong Marcos.Ayon sa Eagle News, nakasulat ang pangalan nina Duterte at Marcos sa sample ballots na ipinamahagi sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.Kabilang naman sa mga senatoriables sina dating TESDA Chief Joel Villanueva, dating Senador Dick Gordon, Senate President Franklin Drilon, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, dating MMDA Chairman Francis Tolentino, Leyte Rep. Martin Romualdez, Sen. Ralph Recto­, Sarangani Rep. Manny Pacquiao, Sen. Vicente Sotto, Valenzuela Rep. Win Gatchalian, Dating Senador Panfilo Lacson at dating Senador Migz Zubiri.Kilala ang Iglesia Ni Cristo sa bloc voting ng kanilang halos dalawang milyong miyembro.

Facebook Comments