May 13, idineklarang regular holiday ni Pangulong Duterte para sa Eid’l Fitr

Idineklarang regular holiday ni Pangulong Rodrigo Duterte ang May 13, 2021 o paggunita ng Eid’l Fitr, o hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1142 na pinirmahan ng Pangulo noong May 10, 2021, ang buong sambayanan ay makikiisa sa mga kapatid na Muslim sa pag-obserba ng Eid’l Fitr alinsunod sa community quarantine at social distancing measures.

Ang holiday declaration ay inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos.


Ang Republic Act No. 9177, idinideklara ang Eid’l Fitr, Feast of Ramadan, bilang regular holiday sa buong bansa.

Facebook Comments