MAY ANOMALYA? | Pagkakatalaga ng JBC kay dating CJ Sereno, pinasisilip sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinasisilip na rin sa Korte Suprema ang responsibilidad at mga pananagutan ng Judicial and Bar Council (JBC) sa pagkakatalaga kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, responsibilidad ng JBC na tanggapin at i-review ang mga documentary requirements na ipinasa ng mga nominado sa pagka-punong mahistrado.

Trabaho din ng JBC na kwalipikado ang mga pinagpipiliang Chief Justice bago ito isumite sa Pangulo.


Pero, sa pagtiyak na kumpleto ang mga requirements na hinihingi sa mga nais maging chief justice ay nagkulang na ang JBC.

Isinama ng JBC ang pangalan ni Sereno sa shortlist ng mga kandidato sa pagka-punong mahistrado, kahit na hindi kumpleto ang Statement of Assets, Liabilities and Networth nito o SALN.
Malinaw na ang pagkukulang ay nag-ugat din mismo sa JBC.

Facebook Comments