May-ari at drayber ng jeep na nakasagasa sa tumatawid sa Paranaque City, iimbestigahan ng LTO

Iimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari at drayber ng pampasaherong jeep na nakasagasa ng tumatawid na indibidwal sa Paranaque City.

Nagpalabas ng show cause order ang LTO upang atasan ang may-ari at ang drayber ng jeep na magpakita sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa darating na December 28, Miyerkules, sa oras na alas-10:00 ng umaga.

Pinagpapaliwanag ang mga ito kung bakit hindi sila dapat masampahan ng kasong administratibo na Employing Reckless Driver alinsunod sa nasasaad sa DOTC Joint Administrative Order.


Pinagpapaliwanag din ang drayber ng jeep kung bakit hindi ito dapat madiin sa mga kasong Failure to Yield, Right of Way for Pedestrian Crossing at Reckless Driving at kung bakit hindi dapat masuspendi o mabawi ang kanyang driver’s license dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Sakaling mabigong humarap ang may-ari at drayber ng jeep, dedesisyunan na ang reklamo batay sa mga hawak na ebidensya ng LTO.

Nahagip sa CCTV video ang insidente kung saan makikitang patawid sa pedestrian lane ang isang babae nang biglang sumulpot ang jeep at nasalpok ang biktima.

Facebook Comments