Suhestiyon ni Sen. Raffy Tulfo na lagyan ng CCTV camera ang mga piitan sa bansa, suportado ng PNP

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang panukala ni Sen. Raffy Tulfo na mag-install ng mga CCTV camera sa mga kulungan sa lahat ng police stations sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, maganda ang nasabing panukala hindi lamang para mabantayan ang kilos ng mga pulis kundi bilang dagdag proteksyon na rin sa mga pasilidad ng PNP.

Aniya, dapat itong mapag-aralang maigi nang sa ganon ay maisama sa procurement program at annual budget ng PNP.


Ang pahayag ni Fajardo ay kasunod ng mungkahi ni Tulfo para maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Facebook Comments