Antipolo City – Patay ang isang may-ari ng junk shop matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Marcos Highway, Antipolo City.
Sa ulat, sakay ng kaniyang service ang biktimang si Ross Bobis nang dikitan ng mga suspek saka pinagbabaril ng tatlong beses.
May tama sa ulo at kawatan ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Blangko naman ang pulisya sa motibo sa krimen kung saan hindi din ito nai-involve sa iligal na droga.
Facebook Comments