May-ari ng lumubog na MT Princess Empress, dapat managot sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro

Iginiit ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa pamahalaan na panagutin ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress na siyang sanhi ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro.

Diin ni Lee, kailangang habulin ng gobyerno ang may-ari ng MT Princess Empress para sa containment, cleanup, at rehabilitation ng mga apektadong lugar.

Tinukoy din ni Lee ang pahayag ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na maaaring maapektuhan ng oil spill ang 21 marine protected areas kasama ang Verde Island Passage na ikinokonsiderang center of marine biodiversity sa buong mundo.


Bukod sa masamang epekto sa kalikasan, ay nangangamba din si Lee sa perwisyong dulot ng oil spill sa kabuhayan ng mga mangangisda sa Mindoro at mga kalapit na lalawigan.

Bunsod nito ay umaapela si Lee sa pamahalaan na sa lalong madaling panahon ay bigyan din ng ayuda at pansamantalang trabaho ang mga mangingisdang apektado ng oil spill.

Facebook Comments