May-ari ng patok na fragrance business na Pop Scents, ibinahagi ang tagumpay ng negosyo sa programang Usapang Trabaho ng DZXL

123

Iba’t ibang diskarte at pagkakakitaan ang pinagkakaabalahan ngayon ng mga Pilipino para malabanan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang kabuhayan.

Mayroong pumapasok sa online selling kalakip ang mga produktong damit, pagkain, kagamitan at iba pa habang mayroon ding iba ang diskarte.

Kabilang sa kanila si Coach Chris Tan, may-ari ng patok na fragrance business na Pop Scents.


Sa programang Usapang Trabaho, sinabi ni Coach Chris na ang lungkot na nararanasan ng mga Pilipino ang ginawa niyang dahilan para magtayo ng negosyong magbibigay ng saya.

Nagsimula ito noong siya ay nasa consulting business at napagdesisyunang simulan ang negosyo sa tulong na rin ng kaniyang mga kaibigan.

Ang fragrance business na Pop Scents ay mayroong tatlong premium resellers at matatagpuan sa ilang lugar sa bansa tulad ng Nueva Ecija, Rizal at ilang parte sa National Capital Region.



Facebook Comments