Pinalaya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may ari ng Wellmed Dialysis Center na si Bryan Christopher Sy.
Ito ay matapos ipag-utos ng Manila Regional Trial Court ang pagpapalaya sa kanya.
Naglagak ng piyansang 72,000 pesos si Sy sa korte sa kasong estafa.
Si Sy ay inaresto ng NBI matapos makitaan ng ebidensya kaugnay sa ghost dialysis scam.
Sa pahayag ng Department of Justice (DOJ), gumamit ang Wellmed ng mga palsipikadong mga dokumento para makakubra ng PhilHealth claims para sa serbisyong medikal ng mga pasyenteng patay na.
Kaugnay nito, pitong opisyal pa ang isasailalim sa preliminary investigation ng DOJ.
Facebook Comments