PNP, naghahanda na sa SONA ni PRRD

56

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – handa sila sa isasagawang kilos protesta ng mga pro at anti Duterte na inaasahang magtitipon-tipon sa batasang pambansa.


Inatasan na rin ng opisyal ang kanilang mga tauhan na igalang ang karapatang pantao ng mga demonstrador.

Aniya, magsasagawa sila ng pulong kasama ang iba pang mga opisyal para pag-usapan kung ilang mga pulis ang kanilang ipapakalat.

Facebook Comments

From Advertisers