MAY BANTA? | Intel report ukol sa pumasok na dayuhang terorista sa Mindanao, bineberipika ng pamahalaan

Manila, Philippines – Beniberipika na ng pamahalaan ang intelligence report na may mga nakapasok na dayuhang terorista sa Southern Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagmula ang mga ulat na ito mula sa Indonesia at Malaysia.

Sinabi naman ni Philippine Army Lieutenant General Rolando Bautista, na hindi pa nila matukoy sa ngayon ang papel ng mga nasabing dayuhang sa nalalabing local terrorist group.


Aminado naman si Bautista, na may banta pa rin na mamabuong bagong henerasyon ng mga terorista.

Bagamat hindi masabi kung gaano na karami ang pwersa, giniit ni Bautista na patuloy pa rin ang recruitment ng mga local terrorist group.

Facebook Comments