MAY BASEHAN | Office of the Solicitor General, may hamon sa mga dudulog sa Korte Suprema kontra martial law extension

Manila, Philippines – “I wish you luck” ito ang naging hamon ni Solicitor General Jose Calida sa mga nagbabalak dumulog sa Korte Suprema kaugnay ng pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Kabilang sa mga tumutol sa martial law extension sa Mindanao sina
Senator Franklin Drilon at Albay Representative Edcel Lagman.

Iginiit ni Calida na may basehan para palawigin ang batas militar sa Mindanao kaya tiyak aniyang walang mangyayari sa gagawing pagdulog sa Supreme Court ng mga kumokontra dito.


Naniniwala si Calida na patuloy pa rin na umiiral ang rebelyon sa ilang bahagi ng Mindanao bagamat nakalaya na sa kamay ng Maute Group ang Marawi City.

Facebook Comments