Brigada Eskwela isinagawa sa Marawi City

Pinangunahan mismo ni Department of Education Secretary Leonor Briones at DepEd-ARMM Secretary Dr. John Magno kasama ang daang mga volunteers mula sa ibang bahagi ng bansa ang isinagawang Brigada Eskwela sa Marawi City Schools Division kahapon.
Sama sama ang mga itong nag linis , nag repair at nag pintura sa ilang silid aralan na napinsala ng nagdaang kaguluhan sa syudad. Matatandaang 22 mga paaralan ang naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga otoridad kontra sa mga armadong bandido.
“Education must continue. Let’s all give quality education to the learners. The Department of Education will help rebuild damaged schools here in Marawi City,” ayon pa nga Sec. Briones.
Nangako rin ito na tutulungan ang mga mag aaral at mga guro na naipit sa tension habang nagpapatuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng DepEd ARMM sa sitwasyon ng mga ito dagdag ni Sec Magno.
Hindi naman maisalarawan ang kasayahan ng mga mag -aaral at mga guro sa ginawang inisyatiba ng ibat ibang sektor para muling makabangon ang Marawi City Schools Division.

Facebook Comments