Manila, Philippines – Pinagdududahan ngayon ng Palasyo ng Malacanang ang motibo ng Office of the Ombudsman sa hindi paglalabas nito ng impormasyon sa pagbasura nito sa imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, masama ang kanilang loob dahil hindi inanunsyo ng Ombudsman ang kanilang pagbasura sa nasabing imbestigasyon na taliwas sa kanilang lagging ginagawa.
Paliwanag ni Roque, parang sinasadya ng Ombudsman na huwag ianunsiyo ang pagbasura sa imbestigasyon para hindi mamatay ang issue na paulit-ulit na binubuhay ni Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi din naman ni Roque na bahala na ang Senado kung itutuloy pa nila ang imbestigasyon ng Senate Committee on Banks sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte sa kabila ng pagbasura ng Ombudsman sa imbestigasyon sa issue dahil sa kawalan ng basehan ng alegasyon.
MAY DUDA | Hindi pag-anunsiyo ng Ombudsman sa pagbasura nito sa imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Duterte, kinwestiyon ng Malacanang
Facebook Comments