Pinangunahan ng simbahang St. John Cathedral Dagupan City ang MAY FLOWER FESTIVAL at SANTACRUZAN 2023, kung saan tuwing buwan ng Mayo ito’y ginugunita bilang pag alala kay mahal na Birheng Maria.
Ang mga babae ay nagsusuot ng marangyang kasuotan na parang si Birheng Maria pagkatapos ay sinundan ito ng prusisyon o mas kilala bilang Santa Cruzan, ito’y pagkilala naman kay Queen Helena ng Constantinople at anak nito sa paghahanap ng tunay na Krus.
Samantala ang mga kasali sa flores de mayo mula sa ating lungsod ay talaga namang pinaghandaan ang aktibidad na ito. Kapansin pansin ang galak ng mga kababaihan, mga kalalakihan at mga batang kasali habang umiikot sa lungsod. Ang kanilang kasuotan ay patunay lamang na buhay na buhay pa ang paniniwalang ito. |ifmnews
Facebook Comments