MAY FOREVER? | Christian Bautista, ikakasal na sa kaniyang noon-showbiz girlfriend

Manila, Philippines – Ikakasal na ngayong taon ang singer na si Christian Bautista sa kaniyang non-showbiz girlfriend.

Aminado ang singer na hindi pa niya makumpirma ang eksaktong petsa pero aniya posibleng sa katapusan ng taon ito magaganap.

Kwento pa ni Christian, inaayos pa niya ang lahat at ayaw na muna niyang magbigay ng anumang detalye baka daw masira pa ang mga plano dahil nais niyang maging simple ang lahat.


Taong 2015 nang inamin ni Bautista na nakikipag-date ito sa isang non-showbiz girl na kanyang pinakilala bilang si Kat Ramnani na isang telecommunications executive.

Facebook Comments