MAY FOREVER! | Mag-asawa sa Japan, nasungkit ang titulong oldest living married couple

Japan – “Inspiring at very touching” ang naging love story ng mag-asawa sa Japan kaya at dahil dito, nakasungkit sila ng titulo sa Guinness World Records.

Nabatid na nakuha nina Masao Matsumoto, 108-anyos at Miyako Sonoda, 100-anyos ang record na “Oldest Living Married Couple” kung saan mahigit 80 na taon na silang nagsasama bilang mag-asawa.

Sinasabing sina Masao at Miyako ang isa sa mga example na may ‘forever’ sa pag-ibig kung saan nagsimula ang kanilang love story sa isang acquaintance party at ‘di naglaon ay ikinasal sila noong October 20, 1937.


Isa sa mga sikreto ng matagal nilang pagsasama ay pagiging mapagmahal nila sa isa’t-isa bukod pa sa pagiging malambing, responsable at mga healthy dishes na laging inihahain ni Masao kay Miyako.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng kanilang limang anak na may edad na 66 hanggang 75-anyos ang selebrasyon ng pagkakasungkit nilang record katulong ang 13 na apo at 25 na apo sa tuhod.

Facebook Comments