MAY FOREVER! | Valerie Concepcion, engaged na

Manila, Philippines – Engaged na ang aktres na si Valerie Concepcion sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga.

Sa kaniyang instagram account, pinost nito ang larawan nilang dalawa habang suot ang engagement ring.

Say ni Val, isinagawa ang wedding proposal noon pang Hulyo 11 pero ngayon lamang nito ipinost dahil pinili niyang maging pribado.


Plano raw nilang civil wedding muna ang unahin sa Disyembre dahil sa may mga inaayos pa silang ibang mga papeles.

Facebook Comments