Manila, Philippines – Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ang total deployment ban na ipinatupad ng pamahalaan ay limitado lamang sa mga first timers na OFW na tutungo sa Kuwait, at yung mga nakasalukuyang naglalakad ng papeles nang ipatupad ang nasabing ban.
Ibig sabihin, hindi sakop ng deployment ban na ito ang mga OFWs na may existing contract pa sa Kuwait.
Hindi rin pipigilan magtungo sa Kuwait ang mga OFWs na nagbabakasyon lamang dito sa Pilipinas.
Kaugnay nito, ayon kay Bello, bagamat naiintindihan nila ang hinaing ng mga kababayanan nating nag nanais magtrabaho sa Kuwait, intindihin rin sana ng mga ito na ang punto sa deployment ban, ay matiyak na wala na muling OFW ang makakaranas ng karahasang sinapit ng isang Pinay OFW na isinilid sa freezer ang bangkay.