MAY ILAW NA! | Supply ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni Ompong, halos 90% nang naibalik

Halos 86 percent ng naibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.

Ayon sa DOE, nasa 10 probinsya pa rin ang nasa ilalim ng rehabilitasyon matapos mapinsala ang mga transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Sa mahigit 20 milyong kabahayan na naapektuhan ng power interruption, nasa higit 300,000 ang wala pa ring supply ng kuryente.


Sa datos pa ng DOE, umabot na sa higit 200 milyong piso ang pinsala sa mga electric cooperatives.

Facebook Comments