Manila, Philippines – Handang makipag-areglo si Pangulong Rodrigo Duterte sa broadcast giant na ABS-CBN lalo’t mapapaso o ma-e-expire na ang franchise nito sa taong 2020.
Pero hindi nakaligtas sa banat ng pangulo ang pamilya Lopez na may-ari ng nabanggit na media company dahil sa matagal na utang nito sa gobyerno.
Ayon sa pangulo – handa siyang makipag-ayos sa ABS-CBN sa isang kundisyon kung tutulong ito sa pagsusulong ng kampanya tungo sa federal system of government.
Ang ABS-CBN franchise ay mag-e-expire sa March 30, 2020 ay kasalukuyang nahihirapang makakuha ng bagong prangkisa sa 17th congress.
Nitong Abril, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na nagre-renew ng franchise ng karibal nitong GMA Network, Inc. na magtatagal ng hanggang 25 taon.