Manila, Philippines – Itinutulak ngayon ni Surigao del Norte Rep. Robert Barbers ang pagbibigay ng discount sa mga bata.
Sa ilalim ng House Bill 2881 o Junior Citizens Benefits bill, pinabibigyan ng diskwento ang mga bata pagkasilang hanggang labindalawang taong gulang.
Pero, limitado ang diskwento dahil ibibigay lamang ang benepisyo na ito sa mga batang mula sa mga pamilya na kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 kada-taon.
Nasa 20% ang diskwento at bibigyan din ng VAT exemption ang mga qualified na bata sa oras na maisabatas ito.
Otomatiko rin na magiging myembro ng PhilHealth ang mga bata upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.
Facebook Comments