Na- identify na ang nasa 30 mga indibidwal na direktang nakasalimuha ng 2 pinakahuling nagpositibo sa Covid-19 sa Cotabato City.
Mismong ang pamunuan ng Cotabato Regional and Medical Center at Office on Health Services ang nangunguna ngayon sa pagsasagawa ng Contact Tracing sa mga nakasalumuha ng 2 Nurses ayon pa kay Dr. Danda Juanday , Administrator ng City Government sa panayam ng DXMY .
Sinasabing nakapag-attend pa ang mga ito ng Kanduli, nakapamalengke at nakapagsambayang sa isang Mosque sa syudad bago paman nadiskobre kahaponna positibo ang mga ito sa Covid-19 dagdag pa ni Admin Juanday.
Itinuturing rin na “Local Transmission” na ang kaso ng 2 Nurses dahil wala namang mga Travel History ang mga ito at Supervisory lang rin ang mga trabaho nito sa hospital dagdag pa ni Admin Juanday.
May mga nararanasan rin aniyang mga sintomas ang mga pasyente ngunit kasalukuyang nasa Isolation Center na rin.
Kaugnay nito, pansamantala ring iimplementa sa buong syudad ang “No Movement Sunday” sa darating na August 16.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng Cotabato City Government sa lahat na higit pang maging maingat para makaiwas sa Covid-19.
OHS File Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>