Manila, Philippines – Inaasahan na mababago na ang ranggo ng mga pulis at isusunod na ito sa ranggo ng militar.
Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 5236 na layong tugunan ang pagkalito ng publiko sa police ranks at linawin din ang command at responsibility ng mga bumubuo ng PNP.
Sa oras na maging ganap na batas ito, ang ranggong Director General ay magiging Police General, ang Deputy Director General ay Police Lieutenant General, ang ranggong Director ay magiging Police Major General, ang Chief Superintendent ay magiging Police Brigadier General, Police Colonel ang Senior Superintendent, at Police Lieutenant Colonel naman ang Superintendent.
Samantala ang mga susunod ng pababang ranggo ay Police Major, Police Captain, Police Lieutenant, Police Master Sergeant, Police Technical Sergeant, Police Staff Sergeant at Police Sergeant.
Sinabi ni Acop na dalawampung taon nang ginagamit ang kasalukuyang police ranks na isinunod sa Western at European jurisdictions pero hanggang ngayon ay mas sanay ang publiko sa military ranks.