MAY PAGKAKATAON PA | Halos 90% ng mga pampasaherong sasakyan, bagsak sa “Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok”

Manila, Philippines – Halos 90% ng mga pampasaherong sasakyan ang bumagsak sa pagsusuri ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng kampanya “Oplan Tanggal Bulok Tanggal Usok.”

Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Tim Orbos, binibigyan naman nila ng pagkakataon ang mga operator na itama ang mali ng kanilang sasakyan.

Miyerkules nang simulang hulihin ng Inter-Agency Council on Traffic (I-Act) ang mga tsuper at operator ng halos bulok nang mga sasakyang pumapasada.


Kasabay nito, ininspeksiyon ng DOTr ang sample ng mobile Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Ang MVIS ang titingin sa “road worthiness” o kung ligtas bang ibiyahe sa mga kalsada ang mga pampublikong sasakyan.

Ang MVIS ay kayang tignan ang hanggang loob ng sasakyan gamit ang maliit na kamera.

Mayroon din itong specialized equipment na hiwalay para sa diesel at gasolina at may kakayanang sukatin ang lakas ng ilaw, takbo ng sasakyan, at preno.

Naglaan ang gobyerno ng P780 milyon para makabili ng 26 unit ng MVIS na kayang ipamahagi sa iba’t ibang isla ng Pilipinas.

Facebook Comments