May Pera sa Tinik!

Isa sa mga binabalewala natin kapag kumakain tayo isda ay ang tinik, madalas badtrip pa tayo dahil bumabara ito sa ating lalamunan ngunit para kay Jessica Lopez o Fishbone Lady ng Binmaley Pangasinan ang mga tinik ay parang ginto dahil ito ang bumubuhay sa kaniya.

Taong 2014 habang kumakain ng isdang bangus si Jessica nadiskubre niya na maaring maging isang art at mapagkakitaan ang mga tinik nito. Mabusisi ang pag gawa ni Jessica ng fish bone art dahil nililinisan nitong mabuti ang mga tinik. Ibinababad sa tubig na may asin ng isang linggo upang hindi mangamoy ang lansa. Umaabot ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pag gawa niya ng fish bone art. Ilan sa mga artwork nito ay pinangalanan niyang Motions of Emotions na gawa sa tinik ng bangus at Until we Grow Grey galing sa tinik ng isdang sapatero. Mabibili ang kaniyang mga artwork sa 3500 pataas. Minsan ng dumating sa punto ni Jessica na itigil na lamang ang pag gawa ng fish bone art sa kadahilanan na ang baba ng tingin sa kaniya ng mga tao ngunit hindi siya nagpatinag dito, “Sundi niyo lang ang gusto niyo at huwag magpapatalo sa sasabihin ng ibang tao” mensahe ni Jessica sa mga aspiring artist gaya nito.

Inspirasyon niya ang mga naging karanasan niya sa buhay, pamilya at ang kaniyang nag-iisang anak upang makagawa ng isang magandang art gawa sa tinik.



Facebook Comments