MAY PINAGHAHANDAAN? | Planong no-election scenario para sa Barangay at SK elections sa Mayo, posibleng buhayin

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na niluluto ni Oriental Mindoro Cong. Rey Umali ang no-election (no-el) scenario para sa Brgy. at SK Election sa may 2018.

Ayon kay Erice, ipinaliwanag ni Umali na ito ay para paghandaan ang pagsusulong ng Charter Change, Federalismo at Bangsamoro Basic Law bilang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inuudyukan rin aniya sila ni Umali na maghakot ng tao sa gaganaping pagtitipon sa Plaza Miranda sa Pebrero a-27 at 28 para palabasin na sinusuportahan nila ang nasabing plano.


Facebook Comments