Manila, Philippines – Naniniwala si dating Biliran Representative Glenn Chong na ginagamit lang ang kontrobersyal na video ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson para pagtakpan ang umano ay dayaan noong 2016 elections.
Sa kaniyang panayam sa Mocha Uson Blog, iginiit ni Chong na totoo ang sinabi ni Senate President Tito Sotto na may mga presinto ang nag-transmit na ng boto isang araw bago ang eleksyon.
Kasabay nito, itinanggi naman ni Chong ang pagdawit sa kaniya ng ilang mambabatas kay dating Senador Bongbong Marcos.
Facebook Comments