Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad na pag-alis na sa total deployment van sa Kuwait.
Ito ay kasunod ng pag-kakaaresto sa mag-asawang employer ng pinatay na OFW na si Joanna Demafelis na sina Mona Hassoun at Nader Essam Assaf.
Gayunman, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bagaman mabilis na naaresto ang mag-asawa, posibleng hindi pa ito sapat para makumbinsi si Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang deployment ban.
Aniya, isa sa pwedeng ikonsidera para ma-lift ang deployment ban ay ang paglagda ng Kuwaiti government sa Memorandum of Agreement na nagpo-proteksyon sa mga OFWs.
Pero ang Pangulo pa rin aniya ang magdedesisyon para dito.
Facebook Comments